Tapat, makatotohanan at komprehensibo –ganito inilarawan ni Senate President Chiz Escudero ang naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon.
Ayon kay Escudero, natalakay ng punong ehekutibo ang maraming mahahalagang bagay na nararamdaman ng sambayanan.
Ikinatuwa rin nito na inuna ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati ang kaugnay sa agrikultura, presyo ng bigas at tinapos sa isyu ng POGO.
Sinang-ayunan rin ng Senate President ang pahayag ni Pangulong Marcos kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.
Mahalaga aniyang huwag nating bitiwan ang ating karapatan kaugnay sa ating pag-aari sa West Philippine Sea.
Pero kasabay nito ay dapat aniyang gawin pa rin ang ating makakaya para maayos ang isyu ng mapayapa gamit ang rules-based engagement sa mfa kalapit nating bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion