Sen. Gatchalian, nanindigang walang paglabag sa pagsasapubliko ng bank accounts at assets ni suspended Bamban Tarlac Mayor Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang ginawang paglabag ang Senado sa pagsasapubliko ng records ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Tugon ito ng senador sa reklamo ng kampo ni Guo, na nilabag umano ng Mataas na Kapulungan ang karapatan ng alkalde sa paglalabas ng mga detalye ng mga ari-arian nito.

Pero giit ni Gatchalian, walang naging paglabag dahil ang kaso na inihain sa Court of Appeals (CA) ay maituturing nang public record.

Katunayan, kahit sino aniya ay maaaring kumuha ng kopya ng petisyong inihain ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay ng pag-freeze ng assets ni Guo, kung saan ang petisyong ito ay naglalaman ng bank account details, assets at ang mga halaga nito.

Dinagdag rin ng senador, na hindi trial by publicity ang ginagawa nilang pagsasapubliko ng mga detalyeng ito dahil ang layon nila ay malaman ng taumbayan ang estado ng kaso sa AMLC. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us