Tiniyak ni Senate Committee on Women chairperson Sen. Risa Hontiveros na pwede nilang hingiin ang tulong ng law denforcement agencies ng ibang mga bansa sakaling wala na sa Pilipinas si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ang pahayag na ito ng senadora ay kasunod ng bigong pagkakaaresto kay Guo dahil hindi ito nakita ng Senate Sergeant-at-Arms sa farm nito sa Bamban, Tarlac nitong weekend.
Paliwanag ni Hontiveros, may kooridnasyon na sila sa ibang mga bansa na nag iimbestiga na rin sa mga krimen na inuugnay sa mga POGO operations dito sa ating bansa.
Pero tiwala pa rin ang mambabatas na naririto pa rin sa Pilipinas si Guo.
Kaya naman hinimok nito ang suspendidong alkalde na sundin na ang payo ng kanyang mga abugado na sumuko na o tanggapin ang arrest order ng Senado.| ulat ni Nimfa Asuncion