Sen. Hontiveros, umaasang iaanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pag-ban sa mga POGO sa kanyang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros na madidinig niya sa magiging state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes ang tuluyan nang pagbabawal ng mga POGO sa Pilipinas.

Ayon kay Hontiveros, sana ang maging desisyon ni Pangulong Marcos sa usapin ng mga POGO ay gaya ng naging rekomendasyon at posisyon ng ilang cabinet officials kabilang sina Finance Secretary Ralph Recto at, NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Pinunto rin ng senator, na maging ang National Security Council (NSC) ay may komentong maituturing nang national security threat ang mga POGO.

Binigyang diin rin ni Hontiveros na pwede ring ikonteksto sa isyung pang ekonomiya ang pag-ban sa mga POGO.

Aniya, hindi na nga ganun kalaki ang kita sa mga POGO malaki pa ang utang nitong buwis sa pamahalaan.

Bukod pa dito, marami na ring idinudulot na problema ang naturang industriya gaya ng mga krimen at money laundering

Dinagdag rin ng mambabatas, na hindi rin maikakatwiran ang trabahong mawawala sa mga Pilipino kapag na-ban ang mga POGO dahil hindi naman de-kalidad na trabaho ang mayroon sa industriya bilang karamihan ay lumalabag sa mga karapatang pantao at karapatan ng mga manggagawa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us