Nangako si Senate Committee on National Defense Chairperson at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, na titiyakin niyang magiging isa sa mga priority agenda ng Senado sa pagbubukas ng kanilang 3rd regular session ang ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA).
Ayon kay Estrada, ang pagpirma ng RAA ay nagpapakita ng commitment ng Japan at Pilipinas na itaguyod ang rules-based international order lalo na sa pagresponde sa regional security threats.
Itinuturing ni Estrada na welcome development ang anumang partnership na makapagpapalakas ng ating relasyon sa isang regional partner.
Maliban sa pagkakaroon ng joint military exercises, ipinunto ng Senate President Pro Tempore na ang RAA ay mahalaga rin pagdating sa humanitarian assistance at disaster relief.
Sinabi naman ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Sen. Imee Marcos na sisiguruihin niyang bubusisiing maigi ng kanyang komite ang RAA para matiyak na nakalinya ito sa national interest ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion