Sen. Joel Villanueva, pinamamadali ang paglalatag ng plano ng pamahalaan sa paglaganap ng AI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Committee on Labor Chairperson Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE), National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang ahensya ng gobyerno na bilisan na ang paghahanda ng labor market ng Pilipinas sa paglaganap ng artificial intelligence (AI).

Kaugnay nito, inihain ni Villanueva ang Senate Resolution 990 para makapagkasa ng Senate inquiry tungkol sa kahandaan ng pamahalaan sa pagtugon sa artificial intelligence (AI) na inaasahang makakaapekto sa labor market ng bansa.

Ayon kay Villanueva, welcome sa kanya ang mga bagong teknolohiya para mapadali ang buhay at productivity

Gayunpaman, dapat aniyang madaliin ng pamahalaan ang paghahanda sa posibleng epekto sa mga manggagawa ng paglaganap ng AI at para malinang ang mahahalagang skills na kailangan sa labor force tulad ng critical thinking at problem solving.

Una nang sinabi ng DOLE, na ang manual operations sa ilang opisina ang unang maaapektuhan ng AI.

Sinabi rin ng senador, na dapat ring isama ng NEDA sa ginagawa nilang mga konsultasyon ang epekto ng mga umuusbong na industriya at AI. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us