Umaapela si Senador Juan Miguel Zubiri kay Senate President Chiz Escudero na gawin na agad at tapusin na ang pagdinig tungkol sa bagong Senate building para maipagpatuloy na ang konstruksyon nito.
Sa Miyerkules, magkakasa ang Senate Committee on Accounts na pinamumunuan ni Senador Alan Peter Cayetano ng pagdinig tungkol sa konstruksyon ng bagong gusali ng Senado sa Taguig City.
Plano rin ni Zubiri, na dating Senate president na kausapin si Escudero tungkol dito.
Tiwala ang senador na walang makikitang iregularidad sa naging pagpopondo sa new senate building.
Sa ngayon, pinayuhan na ni Zubiri si dating Senate Committee on Accounts Chairperson Senator Nancy Binay na talakayin kay SP Escudero ang estado ng pagpapatayo ng new senate building.
Umaasa rin si Zubiri, na mabibisita rin ng mga bagong Senate leader ang itinatayong gusali para personal nilang makita at maunawaan nila ang takbo ng konstruksyon. | ulat ni Nimfa Asuncion