Pinuri ni Senador Ramon Bong Revilla ang naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon.
Para kay Revilla, natumbok ni Pangulong Marcos ang mga inaasahan niyang iulat sa bayan.
Komprehensibo aniya ang ulat at ang mga plano nito para sa bansa.
Partikular na nagustuhan ng senador ang pagbibigay importansya sa presyo ng bigas at pagkain, pagpapababa ng presyo ng bilihin, food security, sa pagsasaayos ng sahod at trabaho, pagsusulong ng katarungang panlipunan, at patungkol sa ating pambansang seguridad.
Pinuri rin ng mambabatas ang ulat para sa trabaho at mga manggagawa.
Ikinatuwa rin ni Revilla ang pagbanggit ng Pangulo sa Kabalikat sa Pagtuturo (KaP) Act na siya mismo ang nag-akda at nag-sponsor.
Ang nasabing batas na nagtaas at nag-institutionalize ng teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Gayundin ang pahayag ng pangulo patungkol sa West Philippine Sea (WPS) at sa tuluyan ng pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion