Sen. Risa Hontiveros, iminumungkahing ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling binuhay ni Senador Risa Hontiveros ang kanyang panawagan na ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea (WPS) Victory Day para gunitain ang makasaysayang panalo ng Pilipinas laban sa China sa Permanent Court of Arbitration noong 2016.

Una nang inihain ng senador noong nakaraang taon ang Senate Resolution 674 kaugnay ng mungkahi niyang ito.

Sinabi ni Hontiveros na dapat lang ipagdiwang ng bansa ang WPS Victory Day kada taon hindi lang para alalahanin ang ating panalo noong 2016, kundi isa na rin itong paraan para isulong angnpatas at nararapat na pagmamay-ari natin sa West Philippine Sea.

Iginiit rin ng senador na paraan rin ito para ipakita sa China na nagkakaisa ang Pilipinas sa laban para sa ating soberanya.

Matatandaang sa ilalim ng 2016 PCA ruling ay nakasaad na ang “nine-dash line” claim ng China, kung saan sakop ang maritime areas sa WPS, ay taliwas sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Pinunto ni Hontiveros na ang tagumpay na ito ay nagpapakita sa buong mundo na ang isang maliit na bansa gaya ng Pilipinas ay kayang ligal, mapayapa, at diplomatikong tumindig laban sa malaking bansa gaya ng China. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us