Pinapurihan ng House leadership ang makasaysayang pagkakalagda ng Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, palalakasin nito ang ugnayang pang-depensa at seguridad ng dalawang bansa.
Ayon kay Gonzales, maituturing na mahalagang yugto sa bilateral relation ng Pilipinas at Japan ang RAA.
Kinilala din ni Gonzales na ang kasunduan na ito ay kasunod ng makasaysayang trilateral agreement ng Pilipinas, Japan at US para sa isang matatag na regional security at cooperation lalo na sa Asya-Pasipiko.
“I am very pleased with the signing of the RAA between the Philippines and Japan as it marks a very important milestone in our bilateral relations. This agreement, which facilitates the seamless entry and stationing of military forces in each other’s territories, will undoubtedly enhance our defense and security cooperation,” sabi ni Gonzales.
Malaking tulong ani Suarez ang kasunduan lalo na sa nagbabagong security threat sa rehiyon.
Ipinapakita rin aniya nito ang magkaparehong pagnanais ng dalawang bansa para sa isang mapayapa at maunlad na hinaharap at patuloy na pag-protekta sa ating soberanya.
“As we continue to strengthen our ties with Japan, I am confident that our partnership will yield even greater benefits for our nations. Let us build on this success and strive towards a future where our cooperation in defense and security, as well as other areas of mutual interest, continues to flourish,” sabi ni Suarez
Ayon naman kay Dalipe, ang RAA ay resulta ng mabungang engagement ng mga lider ng dalawang bansa at strategic partnership.
Mas magiging handa rin aniya ng Pilipinas at Japan sa pagtugon sa iba;t ibang security challenges at humanitarian crises. | ulat ni Kathleen Forbes