Makikita na rin sa eGovPH app ang mga serbisyo ng Philippine Regulation Commission (PRC).
Inilunsad ito ng PRC katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Philippine International Convention Center.
Ayon kay PRC Chairperson Charito Zamora, mahalaga ang digital collaboration na ito para mapabuti ang paghahatid nito ng serbisyo lalo na sa mga registered professional.
Sinabi naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na patuloy na pinahuhusay ng DICT ang development nito ng eGovernment platforms para sa mas tangkilikin pa ito ng publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa