Pinakilos na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga regional shelter cluster team sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Carina.
Bahagi ito ng proactive measure ng ahensya upang masiguro ang agarang pagtugon at pagbibigay tulong sa mga apektado ng bagyo.
Kabilang sa mga activated shelter clusters ang NCR at lahat ng rehiyon sa bansa.
Sa ilalim nito, inaatasan ang mga regional director na mahigpit na imonitor ang sitwasyon kung may pangangailangan ng mga emergency shelter.
May direktiba rin na mangasiwa na ang mga ito ng emergency response at humanitarian assistance para sa mga apektadong lalawigan.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DHSUD local shelter teams sa Office of Civil Defense, National Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang government agencies para sa paghahatid ng tulong lalo sa mga pamilyang inilikas. | ulat ni Merry Ann Bastasa