Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) para sa buwang ito ng Hulyo.
Sa pulong balitaan ng MERALCO ngayong araw, kanilang inanunsyo ang Php 2.15 na dagdag singil sa kada kilowatt-hour (kWh) bunsod na rin ng pagbabalik normal ng generation charge.
Katumbas ito ng Php 11.60 kHw na kabuuang bayarin para sa isang tipikal na residential custumero para sa buwang ito.
Magugunitang nagpatupad ang MERALCO ng utay-utay na paniningil ng Generation Charge makaraang payagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na hatiin sa loob ng 4 na koleksyon ang binili nilang kuryente sa WESM.
Samantala, nagkaroon din ng pagtaas sa presyo ng kuryenteng kinukuha sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Dahil dito, aabot sa Php 430 ang net adjustment para sa mga kumokonsumo ng 200 kHw kada buwan habang papalo naman sa Php 1,075 ang asahan sa monthly billing ng mga kumokonsumo ng 500 kWh. | ulat ni Jaymark Dagala