Solo parents sa Pasig, makakatanggap ng cash subsidy bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2024, makakatanggap ang mga kwalipikadong solo parent ng cash subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa mga buwan ng Enero hanggang Mayo ng taong 2024.

Ayon sa Pasig City Public Information Office, ang inaugural distribution ng cash subsidy ay gaganapin sa darating na Miyerkules, July 3 hanggang sa Huwebes, July 4, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa San Miguel Multi-Purpose Hall.

Tanging ang solo parents na eligible lamang ang kokontakin ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Paalala na hindi pahihintulutan ang pagkuha ng cash subsidy sa pamamagitan ng authorized representatives.

Para naman sa mga detalye tungkol sa mga requirement, gayundin ang schedule ng distribusyon ay maaaring bisitahin ang Facebook page ng Pasig City PIO.

Maaari ring makipag-ugnayan sa CSWDO o sa solo parent coordinators sa inyong barangay para sa iba pang katanungan.

Nauna rito idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang July 2, 2024 bilang special non-working day sa Lungsod ng Pasig sa ilalim ng Proclamation No. 612, s. 2024. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us