Inaasahan na ni Albay Representative Joey Salceda na magiging malaman ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.
Ayon sa House Tax chief sa kabila ng mga hamon ay nagawa ng Marcos administration na mapahupa ang inflation sa target range, mapababa ang unemployment rate, at mapanatili ang magandang economic growth ng bansa.
“While challenges remain, President Marcos has strong wins to tout. Inflation is down to 3.7 percent, within the target range. Unemployment is at 4.1 percent, strong considering our high interest rates. Growth is at 5.7 percent, solid considering China’s slowdown and the generally hostile global conditions,” ani Salceda.
Bukod pa ito sa mga kasunduang naselyuhan ng Pilipinas gaya ng pagsusuplay pa rin ng bigas ng India sa kabila ng ipinatupad na paghihigpit sa export.
Ibig sabihin, ani Salceda, may nagagawa at may gagawin pa ang pamahalaan.
“In other words, the President can resolutely say that things are getting and are about to get better,” diin ni Salceda.
Umaasa naman ang Albay solon na mabanggit ng Pangulo ang mga plano at proyekto para sa Maharlika Investment Fund at public-private partnership, gayundin kung paano tutugunan ang kagutuman.
Aabangan rin aniya nila na mabanggit ang nga proyekto para sa Bicol gaya ng SLEX extension at ang PNR South Long Haul patungong Matnog. | ulat ni Kathleen Jean Forbes