Kasunod ng naranasang malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lugar, hinikayat ni Senate President Chiz Escudero ang mga naapektuhang lokal na pamahalaan na agad at mabilis nang kolektahin ang mga basura at iba pang kalat na naiwan ng kalamidad.
Ito ay para aniya maiwasan ang pagkalat ng mga sakit at matulungan ang mga residente na makabalik na agad sa kanilang normal na pamumuhay.
Nanawagan rin si Escudero sa Department of Labor and Employment (DOLE) na gamitin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program nito, para makapagbigay ng pansamantalang trabaho sa mga nangangailangan habang tinutugunan ang waste and debris management.
Minungkahi rin ng senate president sa mga barangay na mag empleyo ng mga lokal na manggagawa para sa cleanup. Una nang nanawagan si Escudero sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)