Speaker Romualdez, excited nang makinig sa SONA ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez na pakinggan ang talumpati ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong SONA bukas July 22.

Ayon kay Speaker Romualdez, tapos na ng Pangulo ang kaniyang talumpati pero dahil sa perfectionist ito, ay pinupilido niya ang mga dagdag pang impormasyon at datos.

Inaasahan naman ni Romualdez na mabanggit ng Pangulo ang mga napagtagumpayan ng administrasyon gayundin ang mga ilalatag na bagong mga programa na pakikinabangan ng mga Pilipino.

“We are very excited to listen to the SONA…makikinig tayo sa mga gusto ng ating mga Presidente, si President Ferdinand R. Marcos Jr., ang priority legislative agenda…I’m sure follow-up yan sa lahat ng mga social ameliorstion projects, programs, anything to help the needy Filipinos, and of course all the other developmental programs that we’ll be following through,” saad ni Romualdez.

Patungkol naman sa hiling ng ilang mambabatas na sanay mabanggit ng Presidente sa SONA ang polisiya ukol sa POGO, sinabi ni Romualdez na ipapaubaya na nila ito kay PBBM kung isasama.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us