Pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglagda nito sa RA 12010 o Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA).
Ayon sa lider ng Kamara layon ng makasaysayang batas na ito na labanan ang economic fraud at protektahan ang mga Pilipino laban sa financial scam at mapanatili ang integridad ng ating financial system.
“The signing of AFASA marks a significant milestone in our fight against financial fraud and cybercrime,” he declared. “This law provides stringent measures to regulate financial accounts and prevent their misuse, ensuring that our financial systems remain secure and trustworthy. We commend President Marcos for signing this vital legislation into law. His dedication to combating financial crimes and ensuring the safety of our financial systems is evident in the enactment of AFASA,” ani Romualdez.
Nakapaloob sa panukala ang mabigat na parusa laban sa iba’t ibang uri ng financial scam upang mapigil na ang mga ganitong aktibidad.
Anim hanggang walong taong pagkakakulong at multang P100,000 hanggang P500,000 ang ipapataw sa mga sangkot sa money mauling.
Mahaharap naman sa 10 hanggang 12 taong pagkakakulong at multa na P500,000 hanggang P1 million ang sangkot sa social engineering.
Magiging 12 hanggang 14 taong kulong naman at P1 million hanggang P2 million na multa kung senior citizen ang niloko.
Magreresulta naman sa habang buhay na pagkakakulong at multa na P1 million hanggang P5 million ang masasankot sa economic sabotage.
Magiging accountable rin ang mga financial institution sakaling mabigo na magpatupad ng seguridad sa kanilang sistema at mabiktima ang kanilang mga kliyente.
“The AFASA introduces essential protections for financial account owners and holds financial institutions accountable for any lapses in security. Mandating robust risk management systems and controls fosters a safer environment for all financial transactions,” sabi pa niya.
Naniniwala rin ang House Speaker na sa pangmatagalan, makakatulong ang batas para sa isang matatag at lalo pang maunlad na ekonomiya.
“A secure financial system is crucial for sustaining economic development and attracting investment. With AFASA in place, we are sending a strong message that the Philippines is committed to maintaining a safe and transparent financial landscape,” saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes