Magbibigay ng Calamity Loan Assistance ang Social Security System (SSS) sa mga miyembrong naapektuhan ng Bagyong Carina.
Partikular ang mga SSS members na nasa National Capital Region (NCR) at sa mga lugar na idedeklarang state of calamity.
Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, maaaring maka- loan ang miyembro ng katumbas ng isang buwang sahod o hanggang sa maximum na Php 20,000.
Maaari silang mag aplay gamit ang kanilang My.SSS account sa pamamagitan ng www.sss.gov.ph.
Babayaran nila ang pautang sa loob ng dalawang taon o 24 na equal monthly installments na may taunang interest rate na 10 porsiyento.| ulat ni Rey Ferrer