Pinapayuhan ng Social Security System ang mga pensioner na nakaiskedyul sa Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) ngayong Hulyo na magsumite na kanilang compliance bago matapos ang buwan.
Nag paalala ang SSS upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng pension ng mga pensioner.
Obligado na mag sumite ng ACOP reply form at iba pang dokumento ang mga pensioner na nakatira sa ibang bansa,total disability pensioners,death survivorship pensioners,dependent childrens under guardianship.
Paalala ng SSS,kailangan ding mag comply sa ACOP Program ang mga retirement pensioner na nakatira sa Pilipinas na may edad 80 taong gulang pataas.
Ang retirement pensioners na death survivorship pensioners ay kailangan ring magsumite ng dalawang hiwalay na ACOP reply forms sa SSS.
Dagdag pa ng SSS, para maiwasan ang suspensyon ng pension dapat ugaliing mag ACOP tuwing birth month ang mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer