SSS, pinagsusumite na ng ACOP ang mga retired pensioner para ngayong buwan ng Hulyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapayuhan ng Social Security System (SSS) ang mga pensioner na naka iskedyul sa Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) ngayong Hulyo na magsumite na ng kanilang compliance bago matapos ang buwan.

Nagpaalala ang SSS upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng pension ng mga pensioner.

Obligado na magsumite ng ACOP reply form at iba pang dokumento ang mga pensioner na nakatira sa ibang bansa, total disability pensioners, death survivorship pensioners, at dependent children under guardianship.

Paalala ng SSS, kailangan ding mag-comply sa ACOP Program ang mga retired pensioner na nakatira sa Pilipinas na may edad 80 taong gulang pataas.

Ang retirement pensioners na death survivorship pensioners ay kailangan ring magsumite ng dalawang hiwalay na ACOP reply forms sa SSS.

Dagdag pa ng SSS, para maiwasan ang suspensyon ng pension dapat ugaliing mag ACOP tuwing birth month ang mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us