Suporta para sa bagong DepEd secretary, buhos mula sa mga mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sunod-sunod na nagpaabot ng pagbati ang mga miyembro ng Kamara kay Senator Sonny Angara sa pagkakatalaga nito bilang bagong Education secretary.

Ayon mismo kay House Speaker Martin Romualdez ang malawak na karanasan, dedikasyon at natatanging serbisyo publiko ni Angara ang bentahe nito sa pagiging ‘outstanding choice’ sa posisyon.

“Throughout his career, Senator Angara has demonstrated a profound commitment to enhancing our educational system and championing our students’ and teachers’ rights and welfare. His impressive background and notable legislative work and education policy achievements equip him with the expertise needed to lead the DepEd with excellence.” sabi ni Romualdez

Makakaasa din aniya si Angara ng suporta mula sa Kamara para sa ikatatagumpay ng mga hakbang para mabigyang access ang bawat batang Pilipino sa kalidad na edukasyon.

Maging si Negros Occidental Rep. Francisco ‘Kiko” Benitez, sinabi na si Angara ang ‘right man’ para sa trabaho.

“We welcome the appointment of Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara as Secretary of Education. We need someone who intimately knows the ins and outs of our education system, and understands it from a finance and management perspective.” sabi ni Benitez

Hangad din ni Benitez ang tagumpay ni Angara.

Para naman kay House Committee on Basic Education ang Culture Chair Roman Romulo, nakatrabaho na niya si Angara sa mga panukala na may kinalaman sa edukasyon.

Ang mahalaga aniya ngayon ay ang ugnayan upang maipagpatuloy ang pagpapatupad ng kinakailangang reporma para sa kapakanan ng mga estudyante, guro at kabuuan ng sektor ng edukasyon.

“It is always the President’s prerogative on who he deems fit to occupy this crucial post. If it is Senator Angara, I have worked with him in many education related bills. For as long as the reforms are set in place, our working relationship will continue for the benefit of our students, teachers and the educational system and its stakeholders. The problems that beset our educational system should be defined by the common goal of arriving at and providing quality education for all at every level.” sabi ni Romulo.

Kinilala din ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo ang pagsusulong ni Angara sa mga reporma gaya ng Free College Education Law, Universal Kindergarten Law, at K to 12 Law kaya naman angkop aniya siya sa bagong papel na gagampanan.

Tiwala rin ang mambabatas na patuloy na isusulong ng DepEd ang pagpapaunlad sa educational system sa ilalim ng pamumuno ni Angara.

“With Senator Angara at the helm, I am confident that the Department of Education will continue to develop a robust educational system that will improve the quality of learning of our students, as well as support the welfare of teachers and all educational personnel alike.” ani Salo | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us