Surigao solon, nanindigan na hindi pagiging sinophobic ang paghabol sa mga Chinese na sangkot sa iligal na POGO at droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumipensa si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa ginagawang imbestigasyon ng Kamara sa mga Chinese nationals na pawang sangkot sa iligal na POGO at droga.

Ito ay sa gitna na rin ng pagtawag ng ilan na sinophobic ang mambabatas at maging ang Kamara.

Sinabi ni Barbers na hindi siya sinophobic.

Ang kaniya lamang ikinagagalit ay ang mga Chinese na nagdadala ng droga at sangkot sa mga krimen.

Wala rin aniya siya o ang Kamara na problema sa pagtanggap ng mga lehitimong Chinese nationals na magnenegosyo sa bansa.

“..Uulitin ko, yung aming investigation sa House is not sinophobic. Congress is not sinophobic. We welcome legit businessmen. We welcome legit Chinese tourists. We welcome all Chinese. Chinese na ligal ang gawain dito sa ating bansa,” sabi ni Barbers.

Kasabay nito hinamon rin niya ang Filipino-Chinese community at associations na magsalita at tumindig laban sa mga mainlander Chinese na may ginagawang mga kalokohan at nanghihimasok sa West Philippine Sea.

“Kayo nga dapat, dahil Filipino-Chinese kayo, magsalita kayo tungkol dyan sa kalukohang ginagawa ng mga mainlander Chinese dito sa atin. Diba? Eh, bakit parang tahimik? Eh, bakit parang tahimik? Bakit parang tahimik sila ngayon?… Dapat panahon na magsalita kayo ngayon. Labanan nyo yung mga Chinamen na nagdadala ng basura dito sa ating bansa. Yung nang-aagaw ng ating West Philippine Sea. Dapat nga, magkokomentaryo sila dyan,” giit ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us