Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, iba pa, pinaaaresto na ng Senate panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pina-contempt at pinaaaresto na ng Senate panel si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at pitong iba pang resource persons sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Women.

Ito ay matapos hindi dumalo sina Guo at ang iba pang resource person sa pagdinig ng Senate panel kahit pa inisyuhan na sila ng subpoena.

Kabilang sa mga pina-contempt ng Senate panel sina Mayor Alice; mga kapatid nitong sina Shiela, Wesley at Seimen Guo; ama nilang si Jian Zhong Guo; sinasabing ina ng mayora na si Wenyi Lin; gayundin sina Nancy Gamo at Dennis Cunanan.

Samantala, pinapa-subpoena naman sina:

  1. Jaimielyn S. Cruz
  2. Roderick Paul B. Pujante
  3. Juan Miguel Alpas
  4. Katherine Cassandra Ong
  5. Alberto Rodulfo “Ar” De La Serna
  6. Jonathan Mendoza
  7. Ronelyn B. Baterna
  8. Michael Bryce B. Mascarenas
  9. Stephanie B. Mascarenas
  10. Rodrigo A. Banda
  11. Jing Gu
  12. Xiang Tan
  13. Daniel Salcedo, Jr.
  14. Chona A. Alejandre
  15. Duanren Wu

Sa naging pagdinig, binasa ang letter of explanation ni Mayor Alice sa hindi nito pagdalo sa pagdinig ng Senate panel.

Kabilang sa mga binabanggit nitong dahilan ay ang hindi maayos na physical at mental health nito.

Gayunpaman, hindi nakapagpresenta ng medical certificate ang suspendidong alkalde dahil wala aniyang gustong pumirma sa kanyang medical certificate sa takot na madamay sa kanyang kaso.

Hindi naman ito tinanggap ng mga senador at iginiit na hindi dapat gawing palusot ang mental health para hindi makadalo sa hearing.

Iminungkahi pa ng mga senador na ipatingin si Mayor Alice sa isang government doctor o kaya ay sa doktor ng Senado para masiguro ang lagay ng kalusugan nito.

Matatandaang una nang sinabi ni Senate President Chiz Escudero na handa niyang pirmahan ang Warrant of Arrest para kina Mayor Alice kung hihilingin ito ng komite ni Senador Rizza Hontiveros. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us