Taguig Rep. Zamora, nanindigan na di kailangan pairalin ang red tape sa panahon ng kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Taguig 2nd District Representative Pammy Zamora na hindi na dapat pinapairal ang pamomolitika at red tape sa panahon ng kalamidad.

Kasunod ito ng isyu kung saan hindi siya pinayagang makapagpamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng bagyong Carina na namamalagi sa evaucation center sa Brgy. Fort Bonifacio.

Pagbibigay diin ng lady solon malinaw sa RA 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na ipinagbabawal ang pagpigil sa pagpapapasok at pamamahagi ng tulong sa mga disaster stricken areas.

Punto pa niya, galing sa DSWD ang tulong maliban pa sa pinondohan ito ng buwis ng taumbayan.

Sa panig ng pamahalaang lungsod ng Taguig, sinabi nila na may mga panuntunang kailangang sundin hinggil sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📸: House of Representatives

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us