Aarangkada na bukas ang “Takbo para sa West Philippine Sea (Takbo WPS)” Manila Leg.
Sa Saturday News Forum, inanunsyo ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela na lalahukan ng pitong libong runners (7,000) ang aktibidad.
Layunin ng Takbo WPS ay upang ipakita ng bawat Pilipino ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa.
May ilang lokasyon ang pagdadausan ng aktibidad, una ang Manila leg bukas, sunod ang Cebu, at Cagayan de Oro.
Nakatakda ring isagawa ang Takbo WPS sa Baguio City, Dapitan City at Zamboanga del Norte.
May apat na category ang fun run, una; ang 2-kilometro, 5-kilometro, 10-Kilometro at 16 kilometro takbuhan.
Lahat ng kikitain sa Takbo WPS ay mapupunta sa “West Philippine Sea educational campaign.”| ulat ni Rey Ferrer