Tanggapan ng DSWD Central Office sa Batasan, sarado ngayong SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sarado muna ngayong Lunes, July 22, ang Central Office nito sa Batasan, Quezon City para sa gaganapin na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa DSWD, ito ay dahil isasara sa mga pampublikong sasakyan ang Batasan-IBP Road simula mamayang 8:00AM bilang bahagi ng mga hakbang sa seguridad para sa ikatlong SONA ng Pangulo.

Muli namang magbubukas ang DSWD Central Office sa July 23, Martes.

Samantala, mananatiling bukas ang tanggapan ng DSWD Field Offices sa bansa.

Tuloy-tuloy rin ang pagpapaabot ng tulong ng ahensya sa mga apektado ng matinding ulan dulot ng habagat at ITCZ na umabot na sa halos ₱60 million.

At ₱2.24 billion naman para sa mga magsasaka, mangingisda, at pamilyang apektado ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us