Tara, Basa Tutoring Program ng DSWD, pinalawak na sa 7 rehiyon sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumarga na ang pinalawak na Tara, Basa! Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba pang bahagi ng bansa.

Ayon sa DSWD, matapos ang pilot rollout sa Metro Manila, ngayong hulyo ay ipinatupad na rin ang tutoring program sa Regions 3 (Central Luzon), 7 (Central Visayas), 8 (Eastern Visayas), 10 (Northern Mindanao), 12 (SOCCSKSARGEN), at CALABARZON.

Target sa taong ito na makapag-recruit ng 10,289 2nd year hanggang 4th year college students na magsisilbing tutors at Youth Development Workers (YDWs).

Habang nasa 85,213 na mga incoming Grade 2 students na hirap pang magbasa ang nais ding matulungan sa programa.

Sa ilalim ng programa, magsasagawa ng 20 reading sessions ang mga tutor habang Nanay-Tatay teacher sessions naman ang gagawin ng mga youth development workers mula July 1- 26.

Matapos naman ang tutoring at learning sessions, tatanggap ang mga estudyanteng benepisyaryo ng cash-for-work (CFW) na batay sa regional daily minimum wage.

Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, umaasa silang mas maraming kabataan na nasa elementarya ang matuto at bumilis sa kanilang pagbabasa sa naturang recalibrated educational assistance ng ahensya.

“With the expansion of the Tara, Basa! Tutoring Program, we aim to aid more college students in difficult circumstances to pursue or complete their studies through provision of cash-for-work (CFW) under this reformatted educational assistance program,” pahayag ni DSWD Asst. Sec. for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us