Inihain sa Kamara ang House Bill 9903 upang gawing isang ganap na kagawaran ang Technical Education and Skills Development (TESDA).
Ayon kay Las Piñas City Representative Camille Villar, isa sa may akda ng panukala, nilalayon nito na matutukan ang paglikha ng highly-skilled workforces sa pamamagitan ng technical at vocational education at training.
“The creation of the DTESD is envisioned to address the ever-changing labor landscape and its frequent transfers between different government offices. By consolidating efforts in TVET development under a single department, the bill seeks to streamline governance, enhance coordination, and ensure the continuity and effectiveness of policies and programs aimed at developing a skilled and globally competitive workforce in the Philippines,” sabi ni Villar.
Isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang TESDA pero inilipat ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Department of Trade and Industry noong 2016.
Noon namang September 2022 ibinalik ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang TESDA sa ilalim ng DOLE sa pamamagitan ng Executive Order 5.
Ang mga ganitong palipat-lipat aniya ng mother agency ay nakaka-apekto rin sa operasyon ng TESDA, pagpapatupad sa mga proyekto at programa nito gayundin ang continuity at coherence ng mga polisiya.
Oras na maisabatas, aamyendahan ang
TESDA Act (Republic Act 7796) at bubuoin ang Department of Technical Education and Skills Development.
Sa paraang ito ay matutugunan ang pangangailangan sa sapat na kakayanan at kaalaman ang mga manggagawang Pilipino upang magawa ang kanilang trabaho. | ulat ni Kathleen Jean Forbes