Total ban sa mga POGO o International Gaming Licensee, ikinatuwa ng PAOCC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Ito’y makaraang ideklara mismo ng Pangulo sa kaniyang SONA ang total ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ngayo’y International Gaming Licensee.

Sa pahayag ni PAOCC Executive Director, Undersecretary Gilbert Cruz, kaniyang sinabi na kaisa sila ng pamahalaan at ng iba’t ibang sektor sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Giit ni Cruz, malinaw naman ang mga hindi magagandang epektong idinulot ng POGO na siyang taliwas sa layunin nitong tulungan ang ekonomiya ng bansa.

Matagal na aniyang hinahangad ng PAOCC, Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at mga tagapagpatupad ng batas gaya ng Philippine National Police (PNP) gayundin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang matuldukan na ang POGO sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us