Pinalilikas na ng Valenzuela LGU ang mga residente lalo na ang mga nakatira malapit sa Tullahan River.
Ito ay dahil sa pangambang pag-apaw ng nasabing ilog kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Hinikayat ang mga residenteng malapit sa ilog na lumikas na sa Valenzuela National High School, Barangay Marulas.
Naka-deploy na rin aniya sa site maging ang mga rescue personnel ng LGU.
Kaugnay nito, as of 7:30am, may siyam nang bukas na evacuation centers kabilang ang mga sumusunod:
District I
- Bartolome Covered Court, Veinte Reales
- Luis Francisco Elementary School, Veinte Reales
- Balubaran Eden Covered Court, Malinta
- Northville 2 Covered Court, Bignay
- Rincon Elementary School
- Lingunan Elementary School
- Coloong Elementary School
District II
- Valenzuela National High School, Marulas
- Andres Mariano Elementary School, Bagbaguin
Marami ding kalsada sa lungsod ang hirap na madaanan ng mga sasakyan.
NOT PASSABLE TO ALL TYPES OF VEHICLE (NPATV)
- Police Pad, Marulas (18-19 inches)
- San Miguel Marulas (18-19 inches)
- BBB, Marulas (18-19 inches)
- Fatima Marulas (18-19 inches)
- Fatima Hospital (18-19 inches)
- Pio Val Marulas (16-17 inches)
- Valsped Center, Malinta (18-19 inches)
- Flying V, Malinta (18-19 inches)
NOT PASSABLE TO LIGHT VEHICLES (NPLV)
- Shell Paso de Blas cor. P. Santiago (12-13 inches)
| ulat ni Merry Ann Bastasa