Tulong para sa mga magsasaka sa inaasahang pag-iral ng La Niña, nakalatag na — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nakahanda na ang interventions nito para sa mga magsasaka sa inaasahang pagtama ng La Niña.

Ginawa ng DA ang pahayag matapos na itaas ng PAGASA ang La Niña warning sa bansa dahil sa lumalaking posibilidad na mabuo ito sa mga susunod na buwan.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, naka-standby na ang Quick Response Fund (QRF) ng kagawaran at naka-pre-posisyon na rin sa mga regional office maging ang mga assistance at buffer stock ng mga binhi na maaaring ipamahagi sa mga magsasaka.

Dagdag pa nito, iniutos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagpapabilis sa konstruksyon ng mga drainage systems, water-impounding projects, at iba pang post-harvest facilities, lalo na sa flood-prone areas.

Sa kabila naman ng banta ng La Niña, nananatiling kumpiyansa ang DA na maaabot ng bansa ang target na 20.44 MMT na produksyon ng palay sa pagtatapos ng taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us