Umaabot na sa P2 bilyong ang naipamahagi na cash assistance para sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya na naapektuhan ng El Niño Phenomenon.
Sa isang ambush interview sa Baler, Aurora, sinabi ni Social Welfare Development Secretary Rex Gatchalian na naging mahigpit ang atas ng Pangulo na tiyakin na maabot ang lahat ng farmers at fisherfolks ng tulong pinansyal.
Ang cash aid ay nagkakahalaga ng P10,000 sa ilalim ng programang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Kasama si Gatchalian ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and their Families (PAFFF) na naglalayong tugunan ang impact ng El Niño phenomenon sa agriculture at fisheries sectors.
Ayon pa kay Gatchalian.. marami pang nakalinyang lugar na bibisitahin ang Pangulo upang maghatid ng tulong o PAFF. | ulat ni Melany Valdoz Reyes