Tuluyang pagbabawal sa POGO,  suportado ng maraming mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod ang pagtanggap ng mga mambabatas sa pagtindig ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang ipagbawal ang POGO sa bansa.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez isa itong “bold move” na nagpapakita ng commitment ng Pangulo sa pagsunod sa tamang economic practices.

Ipinapakita rin aniya ng Punong Ehekutibo ang malasakit niya sa pagbibigay atas sa Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga POGO workers na mawawalan ng trabaho.

“This bold move underscores the President’s commitment to lawful economic practices,” saad niya.

Maging kay dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo, welcome ang anunsyo ni PBBM.

Aniya, isa ito sa mga paksa na hinihintay ng marami na mabanggit sa kaniyang SONA, kabilang na siya, dahil mayroong POGO sa kaniyang distrito.

“As you can see, that was what everybody was waiting for. Especially in my district, there’s POGO in my district. Now, it’s very clear,” ani Arroyo.

Sa panig naman ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte, tama lang ang desisyon ng Pangulo dahil nakakasira aniya ang POGO sa imahe ng bansa at banta rin sa kabataan.

Naniniwala naman si 1Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez na dapat ituloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Kamara ukol sa mga POGO-related crimes.

Ngayong araw ay ipagpapatuloy ng House Committee on Public Order and Safety at Games and Amusements ang kanilang motu proprio inquiry ukol sa usapin.

Iginagalang naman ni Albay Representative Joey Salceda ang posisyon ng Presidente.

Malamig kasi ang mambabatas sa total ban ng POGO.

Ngunit ngayong nagsalita na aniya ang Pangulo, trabaho niya ngayon bilang House Tax chief na hanapan ng kapalit ang mawawalang revenue mula sa POGO.

“PBBM exercised a prerogative that is well within the scope of his powers over PAGCOR… PBBM’s instructions to PAGCOR is now the settled policy of this administration,” ani Salceda.

“Now, there will be impacts – and the most obvious is on revenue… It’s my job to find those alternative sources, and I hope to work with Secretary Recto under PBBM’s instructions,” dagdag niya.

Kumpiyansa rin si Salceda na kakayanin ni PAGCOR Chair Al Tengco ang pagpapatupad sa maayos na transition sa atas ng Presidente.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us