Mga taga Tolosa at Tigbao sa Leyte naman ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng cash at rice aid program.
Sa Tigbao, isang libong residente ang napagkalooban ng P5,000 tulong pinansyal maliban pa sa P1,000 halaga ng bigas sa ilalim ng Cash and Rice Dtrictibution o CARD program.
Habang sa isinagawang TUPAD payout sa tolosa,umabot ng 2,000 indibidwal ang nakatanggap ng P4,050 nacash aid matapos ang kanilang sampung araw na pagta-trabaho.
Binigyang diinni Speaker Martin Romualdez na nakakatulong ang mga ganitong programa ng adminsitrasyong marcos para maisulong ang kapakanan ng mga komonidad gayundin ang economic reovery ng Leyte.
Bahagi kasi aniya ito ng pagsisikap ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na matugunan ang mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng maraming Pilipino at maisakatuparan ang BAgong Pilipinas.
“These aid distributions are a testament to our commitment to serve the people of Leyte. By providing both immediate relief and employment opportunities, we are taking significant steps towards rebuilding and strengthening our communities,” sabini Romualdez
“These efforts are part of a broader strategy of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to address the ongoing challenges faced by many Filipinos and to foster resilience and recovery across the nation,” dagdag pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes