Pinagkalooban ng tulong ng Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ang mga komunidad na apektado ng sama ng panahon sa Maguindanao Del Sur at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa ulat ng US Embassy sa Manila, 700 emergency shelters ang naipagkaloob ng USAID at International Organization for Migration (IOM) sa mga komunidad sa nabanggit na mga lugar, sa koordinasyon ng Ministry of Social Welfare and Development.
Ayon kay US Embassy Spokesperson Kanishka Gangopadhyay, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga “local partners” para sa karagdagang tulong na maaring ipagkaloob ng Estados Unidos.
Sa isang statement, sinabi naman ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson na tuloy-tuloy ang koordinasyon ng Embahada sa pamahalaan.
Kasabay nito ipinaabot din ng embahador ang kanyang panalangin sa lahat ng apektado ng matinding pagbaha na dulot ng bagyong Carina. | ulat ni Leo Sarne
📸: U.S. Embassy