Ulat sa pagpapalaya sa 85-taong gulang na ‘political prisoner’ nilinaw ng NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng National Security Council (NSC) na hindi “political prisoner” si Gerardo dela Peña.

Ang paglilinaw ay ginawa ni NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya sa isang statement matapos lumabas ang mga ulat na tumukoy sa 85-taong gulang na si Dela Peña bilang pinakamatandang “political prisoner” sa bansa na napalaya na sa wakas.

Paliwanag ni Malaya, si Dela Peña ay convicted ng korte sa kasong pagpatay sa kanyang pamangkin, na isang “common crime.”

Giit ni Malaya, ang pagkakakulong ni Dela Peña ay hindi dahil sa “political crime” o anumang krimen na may politikal na layunin.

Si Dela Peña ay napalaya matapos na ipag-utos ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commutation ng kanyang sentensya base sa “humanitarian grounds” dahil sa kanyang edad at maselang kalusugan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us