Umano’y pagtanggap ng PNP sa mga K-to-12 graduates, ‘fake news’ — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag na “fake news” ng Philippine National Police (PNP) ang mga kumakalat na impormasyon sa social media sa di-umano’y pagtanggap nila ng mga K-to-12 graduate upang makapasok sa kanilang hanay.

Paglilinaw ng PNP, dapat Bachelor’s Degree holder, pumasa sa National Police Commission (NAPOLCOM) Exam gayundin sa anumang Board Exams o Professional Civil Service Exam ang minimum educational requirement bago makapasok sa hanay ng Pulisya.

Gayunman, exempted dito ang mga nakakuha ng latin honors gaya ng Cum Laude, Magna Cum Laude, at Summa Cum Laude.

Pinayuhan ng PNP ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa anumang nababasa online upang hindi maging biktima ng maling impormasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us