Ligtas na nakauwi ng bansa ang limang Pinoy seafarers ng MV Transworld Navigator sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Pinangunahan ni Depatment of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac ang pagsalubong sa limang (5) Filipino seafarers at iba pang opisyal sakay
ng Emirates Airline Flight EK 332. na lumapag sa NAIA 3.
Ayon sa DMW, ito ang unang batch na kabilang sa 27 Filipino seafarers na nakasakay ng barkong sinalakay ng mga rebeldeng Houthi noong nakaraang weekend habang dumadaan sila sa Gulf of Aden.
Naisagawa ang repatriation sa pakikipag-ugnayan ng licensed manning agency at sa may-ari ng barko.
Inaasahan ang susunod pang batch na mga tripolanteng Pinoy na kasama sa 27 Pinoy seaman na inatake ng mga rebeldeng Houthi, sa susunod na linggo.| ulat ni AJ Ignacio