Unang batch ng Philippine contingent para sa isasagawang Pitch Black Military Exercise 2024 sa Australia, dumating na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakarating na sa Darwin, Australia ang unang batch ng Philippine Air Force (PAF) na lalahok sa prestihiyosong Pitch Black Military Exercise 2024.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, inihatid ng Royal Australian Air Force ang Philippine contingent sakay ng KC-30 aircraft.

Habang ang mga dala nilang mga kagamitan ay isinakay sa C-130 aircraft ng Royal Australian Air Force gayundin ng C-295 aircraft ng Philippine Air Force.

Inaasahan namang darating ang main contingent sa Darwin anumang araw ngayong linggo o ilang araw bago magsimula ang mismong pagsasanay.

Ang Pitch Black 2024 ay ang pinakamalaking Australian at International military exercise kung saan, tampok ngayong taon ang paglahok ng nasa 20 bansa kabilang na ang Pilipinas.

Magsisimula ito sa July 12 at tatagal ng tatlong linggo o hanggang August 2 na kapapalooban ng wide range tactical flying at large scale operational collective training activities.

Masasaksihan din dito ang paglahok ng mga FA-50 fighter jet ng Air Force na siyang kauna-unahan para sa Pilipinas sa paglahok nito sa isang international exercise. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us