Kakasa ng Manila Prince Hotel sa darating na ika-26 hanggang 27 ng Hulyo ang kauna-unahang Manila Bridal Fair para sa mga papasok sa buhay mag-asawa na makahanap ng inspirasyon para sa kanilang kasal— lahat ay matatagpuan sa isang lugar lamang.
Tampok sa isasagawang bridal fair ang mga nagagandahang gown at barong, mga bulaklak, serbisyo tulad photography, at marami pang iba.
Libre rin ang entrance sa nasabing fair kaya naman maaaring masamantala ng mga soon-to-be mag-asawa na makilala ang kanilang magiging mga future wedding planner, photographer, at florist.
Ipapakita rin sa Grand Ballroom ng Manila Prince Hotel ang kanilang mga espesyal na wedding theme, mapa-classic, opulent, at oriental man ito, na maaaring magamit din na venue para sa mga espesyal na okasyon.
Para sa mga nais mag-exhibit o dumalo, maaaring makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Manila Prince Hotel o bisitahin ang kanilang website.| ulat ni EJ Lazaro