UP Diliman, nag-deploy na ng dagdag na security personnel kasunod ng insidente ng pananaksak sa loob ng unibersidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng pamunuan ng UP Diliman campus ang lahat, lalo na ang mga estudyante na hinihikayat na i-report sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang bagay o insidente.

Ito ang inilabas na urgent advisory ng UP kasunod ng nangyaring pananaksak sa isang indibidwal kagabi sa National Science Complex ng unibersidad.

Dahil sa insidente alas-8 kagabi ay nagdagdag ng security personnel ang UPD para mabigyan ng proteksyon at mas mabantayan ang malawak na compound ng eskwelahan.

Sa ngayon ay nasa kamay na ng Quezon City Police District ang pag-iimbestiga sa nangyaring pananaksak.

Matatandaang noong Hulyo din ng 2023 nang isang babaeng estudyante ang nabiktima ng sexual assaut sa loob din ng UP Diliman campus. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us