Inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto magsisilbing ‘milestone testament” ng mahusay na partnership ng gobyerno at private sector ang Upper Wawa Dam project—ang tinaguriang biggest water source project sa bansa.
Kaninang umaga kasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Recto sa kaniyang ginawang site inspection sa proyekto na inaasahang solusyon para matiyak ang sustainable access to clean water para sa milyon milyong Pilipino sa Metro Manila at Rizal.
Ayon kay Recto, ang Wawa dam ay hindi lang sasagot sa water security bagkus bubuksan din nito ang trabaho sa local community.
Nangako ang kalihim na patuloy na makikipagtulungan ang Department of Finance (DOF) sa mga pribadong sektor para maisakatuparan ang mga critical at sustainable projects.
Ang Upper Wawa Dam ay second phase ng Wawa Bulk Water Supply project na inaasahang magiging operational sa huling bahagi ng 2025 at inaasahang makapabigay ng 438 million liter na tubig kada araw na pakikinabangan naman ng tinatayang 2.2 million to 3.5 million na Pilipino.
Ang PPP project ay pinangungunahan ng Prime Infrastructure Capital Inc. at San Lorenzo Ruiz Builders and developers Group sa pamamagitan ng kanilang Joint Venture—Wawa JVCo.Inc.| ulat ni Melany V. Reyes