Valenzuela LGU, sinimulan na ang distribusyon ng bagong uniform at school kits sa mga estudyante sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang paghahanda sa pasukan, sinimulan na ng Valenzuela LGU ang pamamahagi nito ng mga bagong uniform at school kits sa mga kabataang estudyante sa lungsod.

Kasama sa makikinabang rito ang mga papasok sa kinder, SPED, at elementarya na makakatanggap ng dalawang set ng school uniform at BalikEskwela Kit.

Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, ang pagsama sa uniporme na ibibigay sa mga mag-aaral ay bilang tulong na rin sa mga magulang at kanilang anak.

Inaasahang aabot naman sa 80,000 public school students ang makikinabang sa inisyatibong ito na pinondohan ng ₱177-million ng LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Valenzuela City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us