Yellow Alert Status sa Luzon Grid, maagang inalis ng NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn


Inalis na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang itinaas na Yellow Alert Status sa Luzon Grid.

Ayon sa NGCP, ang maagang pag-alis ng yellow alert status ay dahil sa pagbaba ng inaasahang demand at sa pagkaantala ng shutdown ng SCPC Power Plant 1 to 4.

Ang yellow alert ay inilalabas kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng transmission grid.

Nauna nang inilagay ng NGCP ang Luzon Grid sa Yellow Alert Status kaninag ala-1 ng hapon na nakatakda sanang magtagal hanggang alas-10 ng gabi. | ulat ni Diane Lear