Pinuri ng tinaguriang “Young Guns” ng Kamara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Budget Sec. Amenah Pangandaman sa pagpapalabas nito ng P27.4-B COVID-19 allowance for health workers.
Ito ay kinabibilangan nila Zambales Rep. Jay Khonghun, La Union Rep. Paolo Ortega V, 1 Rider Rep. Rodge Gutierrez, Ako Bicol Rep. Jil Bongalon, Nueva Ecija Rep. Mika Suansing, Manila Rep. Joel Chua, PBA Partylist Rep. Migs Nograles, Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario of Davao Oriental, Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong , at Isabela Rep. Inno Dy V.
Ayon kay Cong. Khonghun, ang ginawang aksyon ng Pangulo ay pagpapamalas ng kanyang suporta sa ating mga frontliners.
Anila ang allowance ay malaking tulong sa ating mga healthcare workers upang maibsan ang kanilang financial burden.
Ayon naman kay Cong. Suansing, suportado ng kapulungan ang masisipag na healthcare workers, dahil aniya gaya ng marami ay nakararanas din sila ng mga hamon sa buhay at napapanahon anya ang matagal nang inaasam na allowances.
Pinasalamatan naman ni Cong. Ortega ang Pangulo na patuloy kinikilala ang sakripisyo ng mga health workers lalo sa kanilang ipinamalas na ‘selfless sacrifice” noong pandemic.
Binigyan diin naman ni Rep. Adiong ang kahalagahan ng pagkakaroon ng comprehensive assistance to healthcare workers na nagsisilbi sa sambayanan.| ulat ni Melany V. Reyes