Iminungkahi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagtatakda ng interim price-cap para sa reserve market ng kuryente sa ₱19 kada kilowatt-hour.
Ito’y ayon sa ERC ay makaraang ibasura nito ang planong pagpapatupad ng temporary price cap ang Department of Energy (DoE) sa ₱32 kWh.
Ayon sa ERC, lubhang napakamahal nito at tiyak na magiging dagdag pasanin sa mga konsyumer ng kuryente.
Giit ng ERC, layon ng kanilang mungkahi na magtakda ng katanggap-tanggap na presyuhan ng kuryente para sa mga konsyumer at maiwasan ang tinatawag na windfall profit para sa ancillary service. | ulat ni Jaymark Dagala