Tinawag ni Deputy Speaker David Suarez ang ₱29 Rice Program ng administrasyong Marcos bilang game changer sa sektor ng agrikultura.
Aniya, ang inisyatibang ito ay hindi lang nakakatulong sa mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng pagkain sa hapag ngunit nagsisilbi ring suporta sa mga magsasaka.
Itinataas aniya kasi nito ang demand sa ani ng local rice farmers.
Patotoo rin aniya ito sa pangako ng pamahalaan na gawing accessible para sa mga Pilipino ang abot kaya at masustansyang pagkain.
“This program is essential to help our fellow Filipinos, especially during these challenging times. It shows the administration’s dedication to ensuring every family has access to affordable and nutritious food,” sabi ni Suarez.
Magandang balita rin ani Suarez ang pagsiguro ni House Speaker Martin Romualdez na mayroon nang P22 billion na pampondo sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na pang-suporta sa mga magsasaka. | ulat ni Kathleen Forbes