₱3,000 fuel assistance, ipamamahagi ng pamahalaan para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Bataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mamamahagi ng ₱3,000 na fuel assistance ang pamahalaan para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Limay, Bataan, bunsod ng paglubog ng fuel tanker na MT Terranova.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na iniutos na ni Secretary Francisco Tiu Laurel na simulan ang pamimigay ng fuel assistance, upang magamit sa pagpalaot sa karagatan na malayo sa pinagyarihan ng oil spill.

“Makapangisda sila medyo malayo dito sa oil spill dahil alam nating ipinagbawal na dahil doon sa huling sample dito sa bandang Noveleta at Rosario, nakakita ng traces nitong petrochemical. Pero doon sa katabing bayan ng Naic at iba pang bayan ay medyo negative naman. Pero as a precautionary measure ay ipinagbawal nang tuluyan ng BFAR iyong pagkain ng mga isda, lalo na iyong mga shellfish dito sa mga lugar na nabanggit,” paliwanag ni Asec. De Mesa.

Bukod dito, nakipagpulong na rin aniya ang kanilang hanay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maipasok sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) program ang mga apektadong mangingisda.

Ayon pa sa opisyal, pinag-aaralan na rin nila kung maaaring mabigyan ng Quick Response Fund (QRF) ang mga sektor na apektado ng oil spill.

“Ganoon din iyong pakikipagpulong sa DSWD para mabigyan din sila ng tinatawag natin na Assistance to Individuals in Crisis Situation or iyong AICS. At pinag-aaralan din natin kung puwede silang mabigyan nitong Quick Response Fund ng Department of Agriculture,” ani Asec. De Mesa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us