PCG, tinanggap ang donasyong food packs para ipamahagi sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill

Aabot sa 490 food packs ang tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Tanging Yaman Foundation para sa pagsuporta sa mga apektadong mangingisda ng oil spill sa Limay, Bataan at Tanza, Cavite. Ang nasabing donasyon na mula sa foundation ay bilang pagtugon upang mag-alok ng agarang tulong at suporta sa mga pinakatinamaan ng kalamidad.… Continue reading PCG, tinanggap ang donasyong food packs para ipamahagi sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill

Dagdag pondo para sa BPSF, tiniyak ng Kamara

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na daragdagan ang pondo para sa mga programa at serbisyong iniaalok sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF). Sa nalalapit na pagsalang ng 2025 National Budget sa deliberasyon ng Kamara ngayong linggo titiyakin nila na magkaroon ng dagdag na pondo ang mga programa at serbisyo na mahalagang bahagi ng BPSF… Continue reading Dagdag pondo para sa BPSF, tiniyak ng Kamara

Chinese national na iniuugnay sa human trafficking, arestado ng mga awtoridad

Inaresto sa pangunguna ng Bureau of Investigation (BI) ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa trafficking ng mga kapwa Chinese upang magtrabaho sa mga online gaming hub o POGO sa Pilipinas. Kinilala ang lalaking Chinese na si Wang Chuancong, 35 anyos, na naaresto sa loob ng kanyang condominium unit sa Roxas Blvd. sa Parañaque… Continue reading Chinese national na iniuugnay sa human trafficking, arestado ng mga awtoridad

Grupong Manibela, may alok na libreng sakay bukas kasabay ng “unity walk” ng Magnificent 7

Mag-aalok ng libreng sakay ang grupong Manibela bukas kasabay ng gagawing “unity walk” ng Magnificent 7 sa Mendiola sa Maynila. Ayon kay Mar Valbuena, presidente ng Manibela, magsasagawa sila ng libreng sakay sa Metro Manila at kalapit lalawigan para sa mga posibleng maapektuhan ng kilos protesta. Kung tinututulan ng Magnificent 7 ang resolusyon ng Senado… Continue reading Grupong Manibela, may alok na libreng sakay bukas kasabay ng “unity walk” ng Magnificent 7

Mga kooperatiba ng magsasaka at Philippine Army sa Camarines Sur, nagkasundo para sa suplay ng pagkain –DAR

Regular nang magsusuplay ng agricultural products ang siyam na Agrarian Reform Beneficiaries Organization sa Philippine Army sa Pili, Camarines Sur. Ang nasabing hakbang ay inisyatiba ng Department of Agrarian Reform upang matulungan ang mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita. Sa pamamagitan din nito, magkakaroon na sila ng tiyak na merkado para sa kanilang agricultural… Continue reading Mga kooperatiba ng magsasaka at Philippine Army sa Camarines Sur, nagkasundo para sa suplay ng pagkain –DAR

Kamara, aaraling mabuti ang inihaing petisyon laban sa konstitusyunalidad ng paglilipat ng pondo ng PhilHealth

Nangako si House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co na aaralin ng kanilang legal team ang petisyong inihain laban sa DOF Circular 003-2024. Matatandaang iniakyat sa Korte Suprema ang pagkwestyon sa kautusan na maglilipat ng idle funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para magamit sa iba pang programa ng pamahalaan. Sa ngayon, hindi pa… Continue reading Kamara, aaraling mabuti ang inihaing petisyon laban sa konstitusyunalidad ng paglilipat ng pondo ng PhilHealth

Aftershocks ng malakas na lindol sa Surigao del Sur, patuloy na nararamdaman –PHIVOLCS

Patuloy pang nararamdaman ang mga aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Lingig, Surigao Del Sur kahapon. Hanggang alas-6:00 ng umaga kanina umabot na sa 726 ang naitalang aftershocks, 257 dito ang plotted at 2 ang naramdaman. Ayon sa monitoring ng Bislig Seismic Station, naitala ang lakas ng mga pagyanig sa pagitan ng… Continue reading Aftershocks ng malakas na lindol sa Surigao del Sur, patuloy na nararamdaman –PHIVOLCS

DILG, nanawagan sa Magnificent 7 na gawing maayos ang kanilang kilos protesta bukas

Umapela si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa Magnificent 7 na gawing maayos at hindi makakasagabal sa daloy ng trapiko ang kanilang kilos protesta bukas, Hulyo 5. Pahayag ito ni Abalos sa banta ng grupo na magmamartsa mula sa Quezon City hanggang Mendiola sa Maynila para igiit ang pagpapatuloy ng PUV Modernizarion Program ng pamahalaan.… Continue reading DILG, nanawagan sa Magnificent 7 na gawing maayos ang kanilang kilos protesta bukas

Paghigop sa langis mula sa lumubog na MT Terranova maaaring masimulan na sa susunod na dalawang linggo

Tiniyak ng task force ng pamahalaan na namamahala sa MT Terranova oil spill operation na maaaring magsimula na sa susunod na dalawang linggo ang siphoning o paghigop sa langis na kasamang lumubog ng nasabing oil tanker sa katubigang sakop ng Limay, Bataan noong July 25. Sa timeline na ibinahagi ng task force, kakailanganin umano ng… Continue reading Paghigop sa langis mula sa lumubog na MT Terranova maaaring masimulan na sa susunod na dalawang linggo

Kamara, magbibigay ng P3-M reward sa pagkapanalo ni Carlos Yulo ng ginto sa Olympics

Agad nagpaabot ng pagbati si House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol party list Rep. Elizaldy Co kay Carlos Yulo matapos nitong masungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics. Aniya ang ipinakitang dedikasyon ni Yulo ay hindi lang magsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino ngunit siya ring dahilan ng karangalang dala niya… Continue reading Kamara, magbibigay ng P3-M reward sa pagkapanalo ni Carlos Yulo ng ginto sa Olympics